Biyernes, Oktubre 2, 2015


                               

                                                           WIKANG FILIPINO ISULONG                                                                       


      Ang Iilipinas ay maituturing na isa sa mga bansang may pinakamayamang kultura. Kung saan hindi lamang sa pagsasayaw at pag-awit umiikot ngunit maging sa larangan ng panitikan, kung saan nakapailalim ang ating wikang Pilipino at ang mga aspetong nakapaloob dito. Ang wika ang sumisimbolo sa pagkakaisa ng bawat mamamayan sa isang bansa.Dahil sa wika nagkakaintindihan tayo.At dahil din dito ay nalalaman natin ang mga nararamdaman ng ating kapwa.Wika din ang sumisimbolo na tayo ay malaya at may pagkakaisa.Ngunit paano pag unti unti na itong mamatay at maglalaho dahil sa di paggamit nito at paglinang ating  kapwa mamayan ? 


            Mula sa paniniwalang lubos na nating naintindihan ang asignaturang Pilipinong naituro na mula elementarya hanggang sekondarya umusbong ang  Memoramdum No. 20 series of 2013 na isang layunin mula Commision on Higher Education. Na nagdulot ng malaking isyu hinggil sa pagpatay diumano sa ating wikang Filipino. Ang layunin nitong hindi ibilang ang asignaturang Filipino sa kurikulum ng edukasyon sa kolehiyo at ilipat na lamang sa senior highschool kasama ang iba pang mga asignatura ay siyang nakapagpataas ng kilay ng mga guro maging ng mga estudyande at mamamayan na agad ring gumawa ng paraan upag mabatikos ang nasabing memorandum. Bagamat bumuwelta ang CHED na maaari paring gamitin ang wikang Pilipino sa mgadiskusyon sa mga asignatura alinsunod sa kagustuhan ng mga guro, hindi parin ito nagging sapat upang manahimik ang Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino na binubuo ng mga propesor sa iba’t ibang paaralan na nagtuturo ng asignaturang Pilipino. Ang nasasaad na memorandum ay napigilan sa pamamagitan ng mga pagtutol at paglalathala ng isang petisyong nagsusulong na idagdag muli ang asignaturang Pilipino sa bagong kurikulum ng CHED. Sa pagtatagumpay nilang pigilan ito, ngayon ay nasa atin naman ang kapangyarihang ingatan at pagyamanin pa ang asignaturang Pilipino na siya ring sumasalamin sa ating pagkatao bilang mga Pilipino.


     

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento