Biyernes, Oktubre 2, 2015

KAHALAGAHAN NG WIKA

      Mas maunawaan ang tunay na daloy ng wikang Filipino sa sa ating araw-araw na pamumuhay sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng kahalagahan ng wika sa buhay ng bawat isa. Mahalaga ang wika sa ating mga Pilipino dahil ito ang nagsisilbing intrumento tungo sa pagkakaunawaan at pagkakaroon ng magandang palagayan sa ating kapwa. At dahil ito'y biyaya ng Maykapal, nararapat lamang na gamition ito sa tama. Respituhin at bigyang halaga ang bawat salitang sinasabi. Nawa'y mababatid ng bawat isa ang kahalagahan ng pagkakaroon ng sariling pagkakilanlan sa globalisadong mundo. At nawa ay makatulong tayo na mapaigting ang pagpapanatili ng asignaturang higit na humuhubog sa pagkakakilanlan ng bawat Pilipino tungo sa patuloy na pag-unlad.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento