Sabado, Oktubre 3, 2015


Isang facebook page ang isa sa mga solusyong naisip namin upang mas mahikayat pa ang mga estudyante na pahalagahan ang wikang maitututring nating atin.

                                                                                              (www.facebook,com//WikangFilipino101)

Biyernes, Oktubre 2, 2015


                               

                                                           WIKANG FILIPINO ISULONG                                                                       


      Ang Iilipinas ay maituturing na isa sa mga bansang may pinakamayamang kultura. Kung saan hindi lamang sa pagsasayaw at pag-awit umiikot ngunit maging sa larangan ng panitikan, kung saan nakapailalim ang ating wikang Pilipino at ang mga aspetong nakapaloob dito. Ang wika ang sumisimbolo sa pagkakaisa ng bawat mamamayan sa isang bansa.Dahil sa wika nagkakaintindihan tayo.At dahil din dito ay nalalaman natin ang mga nararamdaman ng ating kapwa.Wika din ang sumisimbolo na tayo ay malaya at may pagkakaisa.Ngunit paano pag unti unti na itong mamatay at maglalaho dahil sa di paggamit nito at paglinang ating  kapwa mamayan ? 


            Mula sa paniniwalang lubos na nating naintindihan ang asignaturang Pilipinong naituro na mula elementarya hanggang sekondarya umusbong ang  Memoramdum No. 20 series of 2013 na isang layunin mula Commision on Higher Education. Na nagdulot ng malaking isyu hinggil sa pagpatay diumano sa ating wikang Filipino. Ang layunin nitong hindi ibilang ang asignaturang Filipino sa kurikulum ng edukasyon sa kolehiyo at ilipat na lamang sa senior highschool kasama ang iba pang mga asignatura ay siyang nakapagpataas ng kilay ng mga guro maging ng mga estudyande at mamamayan na agad ring gumawa ng paraan upag mabatikos ang nasabing memorandum. Bagamat bumuwelta ang CHED na maaari paring gamitin ang wikang Pilipino sa mgadiskusyon sa mga asignatura alinsunod sa kagustuhan ng mga guro, hindi parin ito nagging sapat upang manahimik ang Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino na binubuo ng mga propesor sa iba’t ibang paaralan na nagtuturo ng asignaturang Pilipino. Ang nasasaad na memorandum ay napigilan sa pamamagitan ng mga pagtutol at paglalathala ng isang petisyong nagsusulong na idagdag muli ang asignaturang Pilipino sa bagong kurikulum ng CHED. Sa pagtatagumpay nilang pigilan ito, ngayon ay nasa atin naman ang kapangyarihang ingatan at pagyamanin pa ang asignaturang Pilipino na siya ring sumasalamin sa ating pagkatao bilang mga Pilipino.


     



Makiisa, Makilahok, Muling Buhayin ang Wikang Atin

(memorandum no.20 series 0f 2013)

 

       Ang Pilipinas ay maituturing na isa sa mga bansang may pinakamayamang kultura. Kung saan hindi lamang sa pagsasayaw at pag-awit umiikot ngunit maging sa larangan ng panitikan, kung saan nakapailalim ang ating wikang Pilipino at ang mga aspetong nakapaloob dito. Mula sa paniniwalang lubos na nating naintindihan ang asignaturang Pilipinong naituro na mula elementarya hanggang sekondarya umusbong ang  Memoramdum No. 20 series of 2013 na isang layunin mula Commision on Higher Education. Na nagdulot ng malaking isyu hinggil sa pagpatay diumano sa ating wikang Filipino. Ang layunin nitong hindi ibilang ang asignaturang Filipino sa kurikulum ng edukasyon sa kolehiyo at ilipat na lamang sa senior highschool kasama ang iba pang mga asignatura ay siyang nakapagpataas ng kilay ng mga guro maging ng mga estudyande at mamamayan na agad ring gumawa ng paraan upag mabatikos ang nasabing memorandum. Bagamat bumuwelta ang CHED na maaari paring gamitin ang wikang Pilipino sa mga diskusyon sa mga asignatura alinsunod sa kagustuhan ng mga guro, hindi parin ito nagging sapat upang manahimik ang Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino na binubuo ng mga propesor sa iba’t ibang paaralan na nagtuturo ng asignaturang Pilipino.Ang nasasaad na memorandum ay napigilan sa pamamagitan ng mga pagtutol at paglalathala ng isang petisyong nagsusulong na idagdag muli ang asignaturang Pilipino sa bagong kurikulum ng CHED. Sa pagtatagumpay nilang pigilan ito, ngayon ay nasa atin naman ang kapangyarihang ingatan at pagyamanin pa ang asignaturang Pilipino na siya ring sumasalamin sa ating pagkatao bilang mga Pilipino.          Ang Memorandum no. 20 series of 2013 ay tumutukoy sa  bagong kurikulum na binubuo ng 24 na pangunahing kurso, katulad ng History, Purposive Communication, Art Appreciation, The Contemporary World, Mathematics in the Modern World, Science, Technology and Society, Ethics, ang siyam na inihalal na paksa at ang kursong patungkol kay Rizal, ayon sa kautusan ng batas.Maging ang ibang mga kurso tulad ng General Psychology at Basic Microeconomics na ililipat din sa junior at senior high school kasama ang asignaturang Pilipino sa hangarin ng pagbabawas ng mga GE courses sa 36 units at pagtanggal ng mga kursong ito sa kurikulum sa kolehiyo.

            Ang mithiin namin ay ang malinang ng bawat Pilipino angang kanilang wika at huwag hayaan na tuluyang maglaho ang wika ng siyang simbolo ng ating lahi.Nais naming na mapansin ng ating kababayan ang kahalagahan ng wikang ating ginagamit.Patunayang kayang makipagsabayan ang bawat Pilipino sa paglinang ng ating wika.At mabigyang pansin muli kung paano at gano nakakatulong ang wika sa ating pang araw-araw na gawain.


         Ang layunin namin ay mapanatili ang pag aaral ng wikang Pilipino sa kolehiyo upang patuloy na malinang ang paggamit nito.Di bat ang wikang Filipino ay may batayang legal bilang wika ng edukasyon.Samakatuwid malaki ang ating tsansa na tumaas ang antas ng literasi sa Pilipinas kung ito ay aktibong itinuturo sa ating paaralan mula elementarya hanggang sa kolehiyo.Dahil din dito ay mas mauunawaan ng mga Pilipino ang tamang paggamit ng kanilang sariling wika upang higit nilang malaman ang tunay na kabuluhan ng wikang Filipino.At lalo nitong matutulungan ang bawat kabataan na maintindihan ang kanilang pinagmulang kultura sapagkat kakambal ng wika ang kultura ng isang bansa.


TUTOL ANG IBANG SANGGUNIAN












REAKSAYON HINGGIL SA CHED MEMO 20 SERIES 2K13


"Ang wika ay palatandaan ng identidad ng isang bayan... ang nag-uugnay sa estudyante sa kaniyang pamilya, komunidad na kaniyang pinanggalingan, sa kahapon ng bayan." - BIENVENIDO LUMBERA

KAHALAGAHAN NG WIKA

      Mas maunawaan ang tunay na daloy ng wikang Filipino sa sa ating araw-araw na pamumuhay sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng kahalagahan ng wika sa buhay ng bawat isa. Mahalaga ang wika sa ating mga Pilipino dahil ito ang nagsisilbing intrumento tungo sa pagkakaunawaan at pagkakaroon ng magandang palagayan sa ating kapwa. At dahil ito'y biyaya ng Maykapal, nararapat lamang na gamition ito sa tama. Respituhin at bigyang halaga ang bawat salitang sinasabi. Nawa'y mababatid ng bawat isa ang kahalagahan ng pagkakaroon ng sariling pagkakilanlan sa globalisadong mundo. At nawa ay makatulong tayo na mapaigting ang pagpapanatili ng asignaturang higit na humuhubog sa pagkakakilanlan ng bawat Pilipino tungo sa patuloy na pag-unlad.

Biyernes, Setyembre 18, 2015

Filipino: Sa K-12 o Kolehiyo ?


        Sa panahon ngayon, ipinagtatakhan ng mga mag-aaral kung bakit kailangan pang mag-aral ng Filipino sa kolehiyo. Sa pag-iisip nila, "Aanhin namin ang Filipino sa opisina? Mag-a-alibata ba kami pag gumawa kami ng blueprint ng building?" Kaya gusto ng ilang mag-aaral na alisin na ang asignaturang Filipino sa Kolehiyo at ilipat sa K-12. Pero dapat nga ba itong mangyari?